Colored Purple Down Under

Friday, December 1, 2006

Ano sa palagay 'nyo?

Ang tagal kong pinag-isipan ito.

Hindi ko alam kung tama ba ito o hindi. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga hindi ko masyadong kilala. Ni halos hindi nga ako nagbubukas sa mga taong malalapit sa akin, maging sa aking pamilya, magbubukas ako sa mga hindi ko man lang alam kung talagang nag-e-exist?

Maliban syempre Kay Jodelle. Iba si Jodelle. Siya lamang ang tanging taong nakakakilala sa akin. Minsan, pakiramdam ko, mas kilala ako ni Jodelle kaysa sa kilala ko ang sarili ko.

Ayaw kong pinag-iisipan kung anong nangyayari sa akin ngayon. Ayaw kong pag-usapan. Alam ni Jodelle kung anong nararamdam ko. Alam nya kung nasaan ako ngayon.

Kanina, tumunog ang telepono. Alam kong si Jodelle ang nasa kabilang linya kaya I did not pick it up. Nagtext siya. Sagutin ko raw. Pinatay ko ang cellphone ko. Si Jodelle ang nasa kabilang linya kaya binunot ko ang connection ng telepono.

Sa tabi ng desk ng telepono, nakita ko ang Christmas tree. Four years ago, habang wala akong kaimik-imik, tinulungan ako ni Jodelle to spruce up the christmas tree.

Kwento siya ng kwento ng kung ano-ano. Tanda ko, halos wala akong maintindihan sa sinasabi siya. Tanda ko ring nakikitawa ako sa kanya habang umiiyak.

Umiyak nga ba ako noon? Hindi ko tiyak.

Hindi na kasing ganda ng dati nitong mukha ang Christmas tree ngayon. Ilang taon na ring hindi namin ito napapalitan ng decors. Last week, Jodelle suggested that we should buy some decors.

I agreed. But I knew I will not.

Kanina, pagkagising, habang nakaharap ako sa salamin ng tokador, napansin ko ang mga pagbabago sa mukha ko. Tulad ng Christmas tree, ang dami-dami nang nagbago sa akin.

Ano sa palagay nyo, tama lang bang paigsian ko ang aking buhok o kakalbuhin ko na lang ang sarili ko?
posted by colored purple at Friday, December 01, 2006

5 Comments:

Itanong mo ke Jodelle!

December 1, 2006 at 5:38:00 PM GMT+8  

seryoso ka ba? go ka sa pagpapakalbo kung bagay mo naman.

pero mukhang hindi uso ang girls na kalbo ngayon.

wait until summer ka kaya para may reason na maganda.

@lyka: teh, nagmamaldita ka yata?

December 1, 2006 at 6:03:00 PM GMT+8  

this is beautiful writing. enigmatic and haunting. sana pagpatuloy mo.

December 2, 2006 at 1:46:00 AM GMT+8  

"in jodelle we trust"

December 2, 2006 at 2:27:00 PM GMT+8  

Jodelle o Judiel? Yung batang santo na bading?

December 2, 2006 at 2:55:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home